Ngayong Undas 2026, Siguruhing Ligtas ang Pamilya, Online at Offline!

Ngayong Undas, marami sa atin ang bibiyahe upang dalawin ang mga mahal sa buhay, magbakasyon, o maglaan ng oras kasama ang pamilya. Habang naghahanda sa biyahe, huwag kalimutang protektahan hindi lamang ang ating kaligtasan sa kalsada, kundi pati ang ating pera, personal information, at digital accounts.

āš ļø Bago bumiyahe, tandaan ang mga safety tips na ito:

šŸ“² Mag-ingat sa e-wallet scams at pekeng QR codes.

šŸØ Mag-verify bago mag-book ng accommodation o travel packages.

šŸ“¶ Iwasan ang mga kahina-hinalang public Wi-Fi at USB charging ports.

🚘 Huwag basta mag-click ng links sa pekeng NCAP violation messages.

šŸ” I-secure ang iyong cellphone at online accounts.

šŸ“ Mag-isip bago mag-post ng real-time location at travel plans.

šŸ“° I-check ang official travel advisories bago bumiyahe.

Sa panahon ngayon, ang pagiging mapanuri ay bahagi ng pagiging handa. Isang maling click, scan, o payment ang maaaring magdulot ng abala at panganib sa buong pamilya.

Ngayong Undas, mag-ingat bago mag-click, mag-scan, magbayad, at mag-post.

I-share ang gabay na ito sa pamilya at mga kaibigan upang mas marami ang maging ligtas ngayong Undas!

Posted in Uncategorized

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*
*